BOMBO DAGUPAN – Kailangan ang batas pero huli na at noon pa sana ito ginawa.

Ito ang reaksyon ni Fernando Hicap, Chairperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Archipelagic Sea Lanes Law at Philippine Maritime Zones Act kung saan ay pinagtitibay ng dalawang bagong batas na ito ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Hicap, ang maganda sa batas ay matitiyak kung hanggang saan ang ating teritoryo.

--Ads--

Kung nagawa sana ito noon pa ay hindi mangyayari ang pagbangga sa mga mangingisda na nagtutungo sa bahagi ng West Philippine Sea dahil may specific lane na dadaanan ngmga barko.

Sinabi nito na mahihirapan na maipatupad ito ngayon.

Aniya, maging si pangulong Marcos ay nagsabi na hindi siya umaasa na tatanggapin ito ng China.
Kapag hindi ito kinilala ng China ay useless din ang nasabing batas dahil hindi rin maipapatupad.

Paliwanag pa ni Hicap na kaya sila nakapagtayo ng artificial island at nakapagpatayo ng base militar ay sinamantala ng China ang seismic undertaking.

Saad pa nito na noong 2005 marami pang nahuhuling foreign fisherman pero noong 2011 ay may mga nakatayo ng anim na artificial island at mga military presence ng China.