Dagupan City – Posible umanong ikagalit na naman ng China ang ginawang paglagay ng West Philippine Sea sa google maps.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, lalo umanong mapipikon ang China sa bansa dahil ayaw nila na mayroong mga external entities groups sa labas ng Pilipinas na pumapanig sa ating pananaw.

Matatandaan na ipinapakita na ngayon ng Google Maps at Google Earth ang “West Philippine Sea” bilang opisyal na label sa kanilang mga digital na mapa.

--Ads--

Kapag naghanap ang mga user ng “West Philippine Sea” sa Google Maps, makikita ang isang location marker na may humigit-kumulang 395 na review.

Ang pinakabagong komento ay mula dalawang buwan na ang nakalilipas, habang ang pinakamatagal ay may tinatayang walong taon na.

Maraming naman ang mga nagkomento at nagpahayag ng kanilang suporta sa soberanya ng Pilipinas sa nasabing karagatan. Ilan sa mga madalas na lumalabas na mensahe sa review section ay ang mga katagang “Atin ito,” na nagpapakita ng damdaming makabayan ng mga Pilipino.

Ang paglalagay ng label na “West Philippine Sea” sa digital platforms tulad ng Google Maps ay sinasabing mahalaga sa patuloy na kampanya ng Pilipinas para ipaglaban ang karapatan nito sa pinag-aagawang teritoryo.

Patuloy ang panawagan ng iba’t ibang sektor na kilalanin ng mga international na platform ang tama at makasaysayang posisyon ng Pilipinas sa isyung ito.