DAGUPAN CITY- Muling nagpaalala ang Department of Department of Information and Communications Technology (DICT) Pangasinan sa mga lumalaganap na text messages scam ngayong nalalapit na ang holiday season.

Ayon kay John Benedict Dioquino, Project Development Officer ng nasabing ahensya, na sa tuwing holiday season ay mas laganap ang mga scammers o mga mangloloko na gumagamit ng text message at online digital platform lalo na at karamihan sa mga mamamayan ay naglalabas ng kanilang mga pera.

Anya na kung may magpadala man ng mensahe o link mula sa hindi kilala o lehitimong account ay huwag na huwag itong pipindutin dahil isa ito sa paraan ng scammer na makuha ang mga personal na impormasyon at makapangloko.

--Ads--

Kaugnay nito ay mahigpit ang kanilang pagpapaalala sa publiko na maging vigilante lalong Lalo na sa mga matatanda na gumagamit ng teknolohiya sa kabila rin na umiiral na sim card registration.