Dagupan City – May posibilidad na pumasok sa Cyber libel ang paglabas ni Jam Villanueva ng private conversations ng ex nitong si Anthony Jennings at actress na si Maris Racal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominic Abril, Legal/Political Consultant, ito’y dahil sa lumalabas na nakasira umano ito sa imahe ng dalawang kilalang personalidad sa bansa, kung saan ay may mga endorsements na rin silang nag withdraw ng kontrata.
Aniya, malaki na ang naging danyos ng paglalabas ng pribadong usapan ng dalawang personalidad kung kaya’t kung hindi man magsampa ng kaso ang mga ito ay maaring singilin ang gumawa ng aksyon ng higit sa P1milyon.
Ang Cyber libel sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) on defamation ng Republic Act No. 10175 o mas kilala sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ay mas mataas na kaso kung ikukumpara sa libel dahil ito ay non-bailable at may pagkakabilanggo ng nasa 6 na taon
Ngunit sa lumalabas kasi aniya ay tila naging biktima ang dalawa dahil sa paglalabas ng pribadong impormasyon sa social media.
Matatandaan na kumalat ang umano’y screen shot ng palitan nang mesahe ni Racal at Jennings sa social media ito’y matapos i-post ng dating kasintahan ni Jennings na si Jamela Villanueva ang naturang mga conversation.
Sa kabilang banda, may laban pa rin aniya si Jam sa pangyayari kung ang magiging alas nito ay ang psycological violence sa kaniya ng 2 personalidad parikular na sa kaniyang ex-boyfriend.
Sa huli, nagpaalala si Abril na kung kayang pag-usapan na lamang ang ganitong problema sa pribadong paraan ay gawin upang maiwasan ang pagbaliktad ng kung sino ang biktima.