DAGUPAN CITY- Hindi direktang apektado ang bayan ng Calasiao sa paglabas ng katubigan sa San Roque Dam subalit, patuloy ang kanilang pag-abiso sa mga residente dulot ng mataas na lebel ng katubigan ng Sinucalan at Marusay River.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kristine Joy Soriano, Local Disaster Risk Reduction Management Officer III ng Municipial Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa bayan, nananatiling nasa above critical level ang nasabing ilog.

Aniya, nakatanggap rin sila ng abiso mula sa Provincial Government na nakataas pa rin sa Yellow Rainfall Alert ang Benguet kaya inaasahan bababa ang tubig-ulan sa kanilang kailugan.

--Ads--

Gayundin ang pagkaranas ng matinding baha sa mga barangay na kabilang sa low-lying areas.

Gayunpaman, patuloy ang kanilang pag-monitor sa pagbukas ng gate sa San Roque Dam.

Samantala, ayon kay Soriano na ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Marusay River ay dulot ng naranasang tuloy-tuloy na pag-ulan, parehas sa ga-dibdib na pagbaha.

Nailikas na rin kamakailan ang mga residente na apektado ng pagbaha.