DAGUPAN CITY — Aminado si Dr. George Bacani Jr. Senior Meat Control Officer ng National Meat Inspection Service o NMIS Region 1 na makakaapekto sa swine industry ang pagkumpirma ng Department of Agriculture (DA) na African swine fever ang dahilan ng pagkamatay ng ilang mga alagang baboy sa ilang lugar sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Bacani na wala pang gamot para sa nasabing sakit at wala pang bakuha na maibibigay sa mga hayop.
Una rito, nagpositibo sa ASF ang 14 sa dalawampung blood samples ng baboy na pinasuri ng Department of Agriculture sa United Kingdom.
Inihayag ito ni Agriculture Secretary William Dar kasabay ng pagtiyak na walang dapat ikabahala ang publiko at ginagawa na ng kagawaran ang lahat para matiyak na hindi lalaganap ang nasabing sakit ng hayop.
Ilan sa sintomas ng ASF na sakit ng baboy ay pagkakaroon ng lagnat, diarrhea, at paglabas ng likido sa mata o ilong.