BOMBO DAGUPAN – Labag sa batas ang pagdetene o pagkulong sa mga pasyente sa isang ospital na walang pambayad ng hospital bills o medical expenses.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joey Tamayo, Resource Person Duralex Sedlex ay malinaw sa saligang batas na bawat tao ay may karapatan para sa magandang kalusugan at ang hindi pagpapaalis sa isang pasyente dahil hindi makapagbayad ng bill sa ospital ay isang paglabag sa batas.

Aniya na ang sinumang opisyal ng ospital na magbabawal sa pasyente ay maaaring makulong ng 1 hanggang 6 na buwan at may kaukulan ding danyos ukol dito.

--Ads--

Subalit aniya kapag ikaw ay gumawa na ng promisory note at ayaw parin ng ospital ay maaari namang sumangguni sa inyong barangay at doon ay magpablotter.

Dahil ayon kay Atty. Tamayo na ang nasabing batas ay base sa Department of Health implementing guidelines no. 2008-001.

Samantala, bagamat ay may ganitong uri ng batas aniya ay mainam parin na dapat may nakahanda tayong pambayad gayundin at mahalaga na mag-enrol sa sss at philhealth para sa panahon na pangangailangan ay mayroong matatakbuhan.