BOMBO DAGUPAN – Isa umanong ‘political harassment’ ang pagkakakulong ni dating presidential spokesperson Harry Roque ng 24 na oras sa House of Representatives.
Inimbestigahan kasi ng mga mambabatas si Roque ukol sa ugnayan nito sa POGO Hub sa Pampanga.
Sinabi ni Roque na malinaw na pamumulitika ang nasabing ginawa ng mga mambabatas dahil sa lumiban lamang ito ng pagdinig ay ikukulong ka na agad.
Paglilinaw nito na wala itong balak na bastusin ang mga mambabatas dahil sa nakadalo ito ng tatlong beses sa apat na imbitasyon nila.
Matatadaan na ikinulong si Roque sa kamara dahil umamon sa pagsisinungaling nito sa mga isinagawang pagdinig.
Binatikos naman ni Roque si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa mas dumami ang naghihirap ngayon dahil sa mga mahal na bilihin at ganun din ang pagdami ng mga nasusupil na karapatan ng isang tao.