Dagupan City – Naging matagumpay ang pagkilala sa ika-82 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.
Habang nagbahagi naman ang ilang opisyal ng mahalagang sakripisyo sa bansa noong panahon ng digmaan.

Kaugnay nito ay binigyang pugay ni Pangasinan Governor Ramon Guico III, si American commander Gen. Edward King na sumurender na kahit pa mahigpit ang utos ng kanyang mga superiors na huwag sumuko at patuloy na lumaban sa bansa.

Binigyang diin naman ng gobernador na mapalad ang lalawigan dahil isa ito sa mga kinikilala rin sa tuwing sumasapit ang pagkilala sa nakaraan dahil naging bahagi ang probinsya sa mga pinangyarihan.

Ibinahagi naman ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, ang kahalagahan ng araw ng kagitingan upang gunitain ang ginawang sakripisyo ng mga bayani noong World War II na nag-alay ng kanilang buhay para sa bansa.

--Ads--

Kaugnay nito ay kaniyang binalik-tanaw rin ang panahon noong siya pa ay nasa serbisyo, kung saan ay handa ang mga itong ibuwis ang kani-kanilang buhay para lamang sa pagkamit ng kapayapaan na siyang pangunahing layunin ng kanilang sektor.

Samantala, ayon naman kay Ret. Col. Exequiel Barrozo, Post Commander ng Lingayen Veterans Federation of the Philippines mas mararanasan ang totoong kalayaan kung iyong bibigyang balik-tanaw ang nangyari sa nakaraan nang sa ayon ay makita at malaman kung ano ang ginawang sakripisyo ng mga kinikilalang bayani.