Tila nabalot ng pagtataka at misteryo ang biglang pagkawala ng mga sapatos ng mga mag-aaral sa Gosho Kodomo-en kindergarten sa Koga, Fukuoka Prefecture, sa Japan. Kaya upang matuldukan na ito, lumapit na sila sa mga kapulisan upang imbestigahan ito.

Sa ikinabit na mga security camera, dito na nakumpirma na ang suspek sa likod ng mga pagnanakaw ay isa palang weasel.

Ang weasel ay isang uri ng hayop na maliit lamang, maliit rin ang mga binti at buntot ngunit may mahabang katawan.

--Ads--

Nakita nila ang pagdaan ng weasel sa likuran ng isang pader at tsaka dumederetso sa pinaglalagyan ng mga sapatos.

Una muna nitong kinakalat ang mga sapatos sa sahig at pipili ng isang sapatos.

Hinala naman ng mga eksperto na bagong panganak ang naturang hayop at ginagamit nito ang mga sapatos upang paglagyan ng kaniyang mga anak.

Bilang tugon ng paaralan, tiniyak na nilang mapoprotektahan ang mga sapatos tuwing gabi.