BOMBO DAGUPAN- Pinabulaanan ni Andy Hicap, Chairperson ng Pamalakaya, ang naging pahayag ni Department of Agriculture Secretary Tiu Laurel Jr. na nauubos na umano ang isda sa karagatan ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa kaniya, nakasaad umano sa datos ng Philippine Statistics Authority na nasa 4.4-million metric tons ang produkto ng industriyang pangisdaan.

Higit pa umano ito sa pangangailangan ng mga mamamayan subalit, hindi pa din ito napapanginabangan ng mga Pilipino dahil sa eksportasyon ng bansa.

--Ads--

Nangunguna umano ang tuna at produkto sa akwa-kultura, kabilang ang hipon, sugpo, at seaweeds na ineeksport ng bansa.

Maliban diyan, hindi din pinatotohanan ni Hicap ang sinabi ng kalihim na patunay ang pagkawala ng isda ang paggamit na lamang ng mga mangingisda ng maliliit na lambat.

Aniya, maliit na mangingisda lamang ang gumagamit nito dahil naaagawan sila sila ng mga commercial fishers.

Giit din niya na walang kontrol ang mga ito kaya nagkakaroon ng overfishing, kung saan, binabbalik-balikan umano ng mga ito ang isang municipal fishing ground.

Dagdag pa niya, hindi nababanggit ng kalihim at epekto ng reklamasyon at ridging na siyang sumisira sa coral reef.

“Irreversible” umano ang epekto nito at hindi na maibabalik pa ang mga ito kaya nagdudulot ng pagkawala ng mga isda.

Samantala, makakatulong ang programang aquaculture sa mga mangingisda upang magkaroon ng iba pang panghanap buhay.

Subalit, may mga factors pa din ito na nakakasira sa ecosystem partikular na ang paggamit ng mga commercial feeds.