DAGUPAN CITY- Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) sa insidenteng pagkakakuryente ng isang lineman ng kanilang hanay habang nagsasagawa ng maintenance sa ilang poste ng kuryente sa bayan ng Labrador.

Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, General Manager ng CENPELCO, maaaring nagkaroon ng miscommunication dahil sinabayan nila ng pagsasaayos o maintenance ang pagpapatupad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng power interruption sa bahagi ng bayan ng Lingayen.

Anya, nanggagaling sa Labrador sub station ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng nasabing bayan.

--Ads--

sa araw na din iyon ay nagkaroon sila ng pagsasaayos sa bayan ng Lingayen gaya na lamang ng paglipat ng mga source ng walong barangay mula sa Labrador Sub station at lingayen sub station at retrieval of metering ng sakop na linya ng mga barangay.

Dagdag pa nito magkakaroon sana ng synchronized interruption noon ngunit nagkaroon ng miscommunication kung saan nagsasaayos na ang mga lineman nang hindi pa nawawalan ng kuryente.

Nilinaw din ni Engr. Corpuz na patapos na sila sa kanilang pagsasaaayos nang aksidenteng mahawakan ng lineman ang primary line.

Samantala, tuloy tuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga ito at inaalam ang mga naging kakulangan o kung may kapabayaan man.

Nagbigay na rin ang kompanya ng tulong pinansyal sa pamilya ng biktima.