Kinumpirma ng Provincial Veterinary Office ng Pangasinan na Porcine Reproductive and Respiratory Syndrome (PRRS) ang sanhi ng pagkasawi ng anim na baboy sa Brgy Salumague Sur sa bayan ng Bugallon Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr Jovito Tabajeros, Acting Provincial Veterinary Office , sinabi nito na na marami ng naitalang ganitong kaso sa lalawigan at maituturing aniya itong “common” o karaniwang sakit na tumatama sa baboy.

Ang kainaman aniya rito ay mayroon itong bakuna upang hindi na makahawa pa di tulad sa kaso ng African Swine Fever.

--Ads--

Nauna rito nababahala ang mga hograisers sa bayan ng Bugallon matapos mamatay ang anim na alagang baboy sa isang piggery farm sa barangay Salomague Sur sa nasabing bayan.

Kaugnay nito,nagsagawa ng imbestigasyon ang Livestock Department ng Bugallon at Office of the Provincial Veterinary at kinuhanan ng blood samples ang mga baboy.

Sa resulta ng pagsusuri, nagnegatibo sa ASF ang mga baboy at natukoy na Porcine Reproductive and Respiratory Syndrome (PRRS) ang dumapong sakit sa mga ito.