DAGUPAN CITY- “Well deserving and fit”
Ganito isinalarawan ni Ms Tourism Worldwide PH 2022 Kathie Lee Berco sa pagkapanalo ni Miss Grand Pampanga Emma Mary Tiglao sa Miss Grand Philippines 2025.
Aniya, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, na nabuo ni Tiglao ang kaniyang paghahanda sa naturang kompetisyon gamit ang pinagsama-samang karanasan nito sa local, national, at international pageantry.
Maliban pa riyan, hinangaan din ni Berco sina Miss Grand Quezon City Nikki Buenafe Cheveh na nakasungkit ng titulong Face of Beauty International 2025 at si Top 15 Finalist Miss Grand Ilocos Region Angel Louise Dolor.
Nakitaan naman niya ng potensyal pa sina 1st Runner up si Miss Grand Bicolandia Margarette Briton at 2nd Runner Up si Miss Grand Rizal Province Beatriz Angela Ocampo, gayundin, sa mga nakapasok sa Top 15 at si Miss Grand Pangasinan Angelica Joy Flores.
Samantala, magiging pasanin sa bagong kinoronahang Miss Grand Philippines ang pressure na makuha ang back-to-back na pagkapanalo.
Isa naman magandang oportunidad upang direktang makausap nito ang mga Filipina Queens at mahingan ng advices at strategies bago sumabak sa international pageants.
Ibinahagi rin ni Berco na may pagkakaiba sa nakasanayang pageant contest ang Miss Grand Philippines, katulad na lamang ng kakaibang introductions hanggang sa pagtumbling ng isang kandidata sa pagrampa nito.
Ito ay nagpapakita na hindi lahat ng pageant contest ay hindi iisang hulma at nakadepende sa kanilang hinahanap na magrerepresenta ng bansa.