BOMBO RADYO– Natatanging katangian ni Chelsea Manalo, ang representante ng Bulacan at ang hinirang na Miss Universe Philippines 2024, ang nagpanalo sakaniya.
Ito ang naging komento ni Katie Lee Berco, Ms. Tourism Worldwide PH 22, sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, kaugnay sa naganap na Miss Universe Philippine 2024.
Aniya, naging epektibo sa naging tagumpay ni Manalo ang authenticity na kaniyang ipinakita simula pa lang ng pre-pageant.
Kaugnay nito, kakaiba at hindi ang copy-cat ng nakaraang Miss Universe Philippines ang hinahanap ng mga judges para sa kanilang ipampabato sa susunod na Miss Universe.
Ito rin ay isang patunay na ‘ever-evolving’ ang pageantries sa buong mundo kung saan tinatanggap ang pagkakaiba-iba ng bawat representatives.
Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang kanilang pagsunod sa standard o ang stereotype ng pageantry. Hindi pa kase oras din na ihain ang hindi pa normal o tanggap ng pageantry.
Samantala, binigyan linaw din ni Berco, ‘tagged as dark horse’ man si Manalo o hindi inaasahan ang pagkapanalo, nakatulong sakaniya ang pagkabilang nito sa hot picks para mas higitan pa ang kaniyang ipinakita sa susunod na performance.
Umaasa din siya na ibibigay ni Manalo ang kaniyang lahat ng kakahayanan upang irepresent ang Pilipinas.
Dagdag pa niya, mas importante ang suporta na ibibigay kay Chelsea Manalo para sa kaniyang pagpunta sa Mexico.