BOMBO DAGUPAN – Nagtungo sa Tarlac ang team ng Office of the Solicitor General at Philippine Statistics Authority (PSA) para maghain ng petisyon sa Regional Trial Court upang hilingin na ikansela ang birth certificate ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra, nabigo si Guo na mag-comply sa legal requirements para sa late registration kabilang ang pagsumite ng supporting documents.

Napag alaman na may mga hindi pagtutugma sa birth certificate ni Guo at sa iba pang impormasyon nito sa public records.

--Ads--

Ang quo warranto proceeding ay isang legal remedy para kwestiyunin kung nararapat ba talaga sa public office ang isang indibidwal.

Samantala, hindi sumipot ang kontrobersyal na alkalde sa pagsisimula ng preliminary investigation kung saan ang kanyang abogado ang humarap sa Department of Justice.