Dagupan City – Malaking tagumpay ang ipinagdiriwang ng bayan ng Manaoag matapos itong opisyal na ideklarang “Drug Cleared Municipality.” noong nakaraang araw.

Ayon sa Manaoag Municipal Police Station (MPS), ang mahalagang pagkilalang ito ay bunga ng matibay na pakikiisa at walang sawang koordinasyon ng bawat sektor ng komunidad at residente ng bayan

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni PMaj. Peter Paul V. Sison ang Hepe ng Manaoag MPS, ang kritikal na papel ng mamamayan sa pagkamit nito.

--Ads--

Ang pagiging Drug Cleared ng Manaoag ay hindi lamang tagumpay ng kapulisan o ng lokal na pamahalaan.

Ito ay tagumpay ng bawat Manaoagueño na nakiisa, nagsumbong, at aktibong lumahok sa ating mga programa laban sa ilegal na droga.

Idinagdag pa niya na ang kanila na lamang mas tututukan ngayon ang pagpapanatili ng status sa bayan kaya patuloy ang monitoring sa lahat ng Barangay at paghingi ng tulong sa bawat BADAC para walang makapasok na illegal na drogasa bayan.

Malaki ang naging ambag ng mga programang pang-rehabilitasyon na nagbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga nagumon sa ipinagbabawal na gamot.

Sa kabuuan, ang pagiging Drug Cleared Municipality ng Manaoag ay isang matibay na patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, koordinasyon, at aktibong partisipasyon ng bawat isa, anumang hamon ay kayang lampasan.

Nananatiling bukas ang Manaoag MPS sa patuloy na pakikipagtulungan sa komunidad upang panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang bayan lalo na sa banta ng illegal na droga.