Inaalam ngayon ng kapulisan kung may naganap na foulplay sa pagkamatay ng isang Korean national matapos na malunod sa isang beach resort sa Lian, Batangas.

Hindi na umabot nang buhay sa Metro Balayan Medical Center ang dayuhan na si Kim Song Ho, 55-taong gulang.

Ayon sa impormasyon kasama ng biktima na nagtungo sa Matabungkay Beach Resort sa Brgy. Matabungkay ng nasabing lalawigan ang kaniyang kaanak.

--Ads--

Lumusong umano ito sa tubig habang nasa impluwensiya ng alak dahilan para malunod.