DAGUPAN CITY- Mas naging laganap pa ang pagkalat ng mga fake news at misleading information nang magsimulang pumutok ang issue ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Marlon Nombrado, Co-founder ng Out of the Box Media Literacy, kapansin-pansin ang pagdami ng mga content sa social media na naglalaman ng political propaganda.

Aniya, nakita sa iba’t ibang contents sa social media na may iba’t ibang opinyon at suporta kahit pa man nagdudulot ito ng hindi tamang impormasyon.

--Ads--

Gayunpaman, inaasahan na ito dahil sa malakas din ang kanilang suporta at kung paano magamit ang social media.

Subalit, nakakabahala pa rin ito dahil hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang kumakagat sa pekeng impormasyon at ibinabahagi ito.

Ayon kay Nomrado, facebook pa rin ang nangungunang platform kung saan kumakalat ang mga naturang klase ng impormasyon.

Aniya, kadalasan sa mga nagpapakalat ay may script na sinusundan at gumagamit ng troll farms para mas maging malawak at kontrolado ang kanilang sakop na audience.