BOMBO DAGUPAN- Nakakapangamba umano ang lumalaking banta sa kumakalat na deep fakes sa internet.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan Kay Wilson Chua, Managing Director at Co-founder ng Bitstop Inc., ang deepfake ay ang pagsasagawa ng fake videos kung saan maaaring ilapat ang pagmumukha ng tao sa isang pang pagkatao sa pamamagitan ng AI tools.

Isa na umano ang nabiktima nito ay ang paglipat ng mukha ng American Pop Star Taylor Swift sa isang malaswang video.

--Ads--

Nagamit din aniya ito kay US President Joe Biden kung saan hinihikayat ni Biden ang mga tao na huwag nang makiisa sa eleksyon.

Hindi na rin nakalagpas ang Pilipinas sa ganitong panloloko dahil sa bilis ng teknolohiya kaya naniniwala si Chua na dapat nang magkaroon ng panukala ang Department Of Information And Communications Technology (DICT) na gumawa ng mamamahala kaugnay sa cybersecurity.

Naniniwala din si Chua sa kakayanan ni DICT Sec. Ivan Uy upang tugunan ito.

Gayunpaman, kinakailangan pa rin ng bansa ng mas mabilis na framework at solusyon.

Sinabi din ni Chua na sa pamamagitan ng IP address ng posted video upang ma-trace ang gumawa ng deepfake video.

Subalit, kung nanggaling naman ito sa ibang bansa, mahirap din itong mapanagot depende sa saklaw ng batas.

Kaya aniya, mas maiging magpadala nalang ng takedown request dahil mas mapapatagal lamang kung kakasuhan ito.

Kaugnay nito, idiin sa sulat na ang naturang video ay ‘non-consensual’.