Kinumpirma ni Provincial Health officer Dr. Ana Ma. Theresa de Guzman na may naitala ng isang kaso ng delta variant sa lalawigan ng Pangasinan.

Base sa advisory ng Department of Health , ang pasyente ay isang seafarer, 23 anyos na dumating sa bansa noong July 13 at nakauwi ng lalawigan ng Pangasinan nitong August 3.

Sinabi ni de Guzman na nadetect sa pamamagitan ng genome sequencing na tinaman ang pasyente ng delta variant.
Kaugnay nito ay agad na nakipag ugnayan ang PHO sa LGU.

--Ads--

Sa ngayon ay mananatili ang pasyente sa kanilang bahay kasama ang pamilya na naexposed. .

Mahigpit naman itong babantayan ng mga health worker at imonitor kung kakikitaan ng mga sintomas.

Dagdag pa ni de Guzman na kung kinakailanan na mag granular lockdown ay isasagawa para hindi kumalat ang virus at mabigyan ng proteksyon ang kanyang kababayan.

Provincial Health officer Dr. Ana Ma. Theresa de Guzman

Samantala, nahanap at na tukoy na rin ang mga nakasabayan nito.

Sila ay naka isolate ngayon at nakatakdang kuhanan ng RTPCR test.