Maituturing na World Phenomenom ang redtide kung saan hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ang paano nagkakaroon nito.

Ito mismo ang nilinaw ngayon ni Dr. Westly Rosario, hepe ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Paliwanag ng opisyal, ang red tide ay hindi lamang naitatala sa Pangasinan o sa Pilipinas.
Aniya, kahit ang mga bansang Japan, New Zealand pati na US ay nakakaranas rin ng kaparehong problema.

--Ads--

Ayon pa kay Rosario, wala ring sinuman ang makapagsasabi kung kailan tatama ang redtide sa isang lugar.

Nilinaw naman ng BFAR na posibleng epekto ng climate change kung bakit walang naitalang kaso ng redtide sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon sa kabilang na naranasang init ng panahon.

Nabatid na mas mataas ng tiyansa na magkaroon ng redtide kung masyadong maalat ang tubig at mainit ang panahon.