BOMBO DAGUPAN – Kumbinsido ang isang psychologist na may kakulangan ng mga guidance counselors kung kayat ang Pilipinas ay tinaguriang bullying capital of the world.

Ayon kay Karl Anthony Rufo, isang Psychologist, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, bagamat maraming kumuha ng BS psychology pero madalang ang nagtutuloy ng guidance counselors dahil sa mababa ring pasahod.

Dahil sa kawalan ng guidance counselors ay nag eempleyo ang ibang paaralan ng mga taong hindi talaga ganap na guidance counselors.

--Ads--

Giit ni Rufo na mahalaga na may mga psychologist o guidance counselor sa bawat paaralan lalo na sa pagtugon sa mga nabubully.

Ani Rufo, kapag hindi nakayanan ng isang indibiduwal na nabully ay makaranas ng trauma, anxiety, depression at maaring maapektuhan ang kaniyang self esteem hanggang sa umaabot sa punto na sasaktan naang sarili athindi na makikihalubilo sa ibang tao.

Kaya payo niya sa mga nabubully na huwag nag patulan dahil maaring maging sanhi ng physical abuse.

Mas mainam na ireport sa mga proper authority gaya sa principal o sa kanilang guro at sa kanilang guidance counselors.

Huwag mahiyang humingi ng tulong sa mga psychologist para malaban ang kanilang depression.

\May payo naman siya sa mga magulang na dahil magkakaiba ang henerasyon kaya dapat unawain ang kanilang anak at at mahalaga rin sa mga guro na turuang mabuti ang kanilang mga mag aaral upang ipaintindi ang epekto ng bullying sa isang indibiduwal.