Pinawi ni PMaj. Dennis Cabigat, Chief of Police ng Bolinao PNP ang pangamba ng publiko na mayroong oil spill na naganap kasunod ng pagsadsad ng isang foreign oil tanker sa dalampasigang bahagi ng barangay Patar, Bolinao Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Cabigat, walang nangyaring oil spill sa karagatan.

Sa ngayon ay hindi pa rin mainspeksyon ng LGU kung may mga nasirang corals sa pagsadsad ng oil tanker.

--Ads--

Samantala, tiniyak din naman ng opisyal na maayos naman ang mga residente sa lugar at hindi naman ito nagdudulot ng pangamba sa kanila dahil nakikita naman nila na gumagawa ng aksyon ang mga otoridad at waladin umanong nakikitang problema na maaring makaapekto sa turismo sa bayan ng Bolinao.

Hindi rin nakaapekto sa mga bisita sa lugar ang insidente.

PMaj. Dennis Cabigat, Chief of Police – Bolinao PNP

Samantala Hindi pa nakokordonan ang foreign vessel na sumadsad sa nabanggit na lugar.

Ayon Cabigat hindi pa nakakapagsagawa ng inspection sa naturang vessel dahil marami ring requirements na kailangang maibigay muna ng may ari ng foreign vessel bago ito tuluyang mapasok ng mga otoridad.

PMaj. Dennis Cabigat, Chief of Police – Bolinao PNP

Una rito, nabalot ng takot ang ilang residente ng Brgy. Patar matapos na sumadsad at tumagilid sa dalampasigan ang isang oil tanker na may sakay na 26 na mga dayuhang crew members.

Patungo sanang Brunei mula sa China ang naturang oil tanker nang magkaroon ng engine trouble at natangay ng alon papunta sa dalampasigan ng Bolinao.