DAGUPAN CITY- Itinuturing na isang unusual phenoma ang nararanasang matiding pagbuhos ng snow sa ilang mga lugar sa bansang Japan kung saan maaari itong maka-apekto sa ilang mga gawain sa nasabing bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa bansang Japan, normal ang pagkakaroon ng winter sa bansang Japan ngunit napaka-unusal ng nararanasang blizzard o snowstorm sa kasalukuyan.
Aniya, nitong mga nakaraang linggo ay umuulan na ng niyebe sa ilang bahagi ng Japan, at inaasahang mas darami pa ang babagsak na snow sa loob ng 24 na oras, lalo na sa mga coasta areas sa ng bansa.
May mga Hapon na natutuwa sa mga matataas na snow ngunit mayroon din aniya itong kaakibat na panganib at pagka-antala sa ilang mga gawain tulad ng kalakalan at trasnportasyon.
Dagdag niya, maaari itong magdulot ng unpassable roads at avalanche.
Samantala, sa kabila ng mga pangyayari ay wala pang anomang naitatalang vehicular accident sa mga apektadong lugar.