Divided o nahahati umano ngayon ang bansang Amerika kaugnay sa nalalapit na US presidential election.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay JESSE VIZCOCHO, government relations and legislative affairs director ng National Federation of Filipino American Association mula sa Alaska, USA, sinabi nito na maraming Filipino – American ang pro-Trump at pro-Biden.
Dahil dito wala pa umanong kasiguruhan kung sino ang mananalo. Sa halalan sa Amerika, kahit manalo ng popular vote ay hindi pa rin aniya nakakasiguro na mananalo na ang isang kandidato.
Hindi naman niya inaalis ang posibilidad na magkaroon ng magulong sitwasyon sa lugar na isasagawa ng mga tinaguriang mga proud boys, classman at iba pang grupo.
Samantala, sinabi ni Vizcocho na bagamat sa November 3 ang aktuwal na halalan sa US ay nakapag boto na siya noong isang araw.