food supplies

Nilinaw ng isang grupo ng mga magsasaka na malabong magkaroon ng food shortage ang bansang Pilipinas.

Ito ang inihayag ng chairman ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na si Engr. Rosendo So patungkol sa naging pahayag ng noo’y Kalihim ng Department Of Agriculture na si william Dar sa umano’y sa posibilidad ng kakulangan sa mapagkukunang pagkain sa bansa.

Aniya na bagaman nagtaas ang presyuhan ng mga produktong agrikultura ay hindi kailanman nagkaroon ng problema sa suplay nito.

--Ads--

Dagdag nito na kanilang isusulong ang pagpapalakas sa lokal produksyon ng Pilipinas sa mga magigigng pagpupulong kasama ang lider ng bansa.

Kasabay nito ay inaasahan naman aniya sa mga magiging susunod pa na pagpupulong ng kanilang hanay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang pagapruba sa Livestock and Poultry Dvelopment Fund kung saan ang pondo sa taripa ay mapupunta sa sektor ng livestock at poultry na magpapalakas din aniya.

Samantala inihayag naman nito na bagaman nagkaroon ng pagkakatala kamakailan ng mga kaso ng bird flu maging ng African Swine Fever ay hindi pa naman nito naaapektuhan ang suplay ng karne sa bansa.

Hiling din nito na bagaman tuloy pa rin ang importasyon sa bansa, ay mapalawak pa ang lokal produksyon na siyang susi para makaahon ang mga magsasaka sa bansa.