Dagupan City – Binigyang diin ng Department of Trade o DTI Region ang mga entrepreneur sa kanilang pagsisimula sa negosyo ay mas mainam na magkaroon na ng branding sa kanilang mga produkto upang mas makilala ang mga ito at matulungan sa mas magandang pag nenegosyo.

Ayon kay Merlie Membrere ang siyang Officer-in-Charge – Regional Director ng Department of Trade o DTI Region 1 ang pagkakaroon ng branding sa isang produkto ay napakahalaga upang itaguyod ang pagkakakilanlan, tiwala, loyalty, benta, halaga, at kompetisyon ng produkto.

Aniya na magtungo lamang sa kanilang opisina upang maiparegister ang kanilang trademark at matulungan sila sa mas maayos at mabilis na pagsisimula sa kanilang pagnenegosyo.

--Ads--

Gayundin aniya na patuloy ang kanilang pagtulong at pagtataguyod sa mga nagnenegosyo at mag balak na mag negosyo sa buong rehiyon uno sa pamamagitan ng kanilang mga sustainability plan.

Kaugnay din nito ay hinihikayat ang bawat provincial offices na makipag coordinate lamang sa kanila para sa mga proposal na makakatulong sa mga ito at ang pagtaguyod sa bawat Micro, Small, and Medium Enterprises.