Hindi na kailangan ang batas upang makasuhan ang mga sangkot sa ghosting.
Ang ghosting ay biglaang pagkawala ng isang tao o biglang naputol ang connection sa isang tao.
Ayon kay Dr. Nhorly Domenden, psychologist kapag na ghosting ay apektado ang emosyon, kaisipan at pisikal na kondisyon ng isang tao na maaring magpabago sa kanyang buhay at mahirap sa iba ang mag adjust.
Bilang psychologist, ipinayo ni Domenden na ang nakikita niyang solusyon ay pataasin ang level ng mental health at personality development para matutunan ng mga tao na hawakan o imanage ang sarili sa isang mabigat na situwasyon o problema sa buhay.
Maghanap ng mga gawain na pagkaaabalahan para maibaling sa ibang bagay ang nararamdamang lungkot.
Ipinaliwanag ni Domenden na ilan sa nakikita niyang dahilan bakit may mga taong nang go -ghost ay hindi pa sila handa sa isang relasyon o hindi sila handa o maaaring ayaw nilang makita ang emotional reaction ng taong kanilang iiwanan.
Sa isang panukalang batas na inihain sa House of Representatives ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. , maaari nang tawaging “emotional offense” ang biglaang paglaho sa buhay ng isang tao kung tuluyang maisasabatas.
Sa ilalim ng bagong House Bill No. 611, ang “ghosting” o ang hindi inaasahang pagputol ng koneksyon ng isang tao (kadalasan sa konteksto ng relasyon) ay mauuwi sa deklarasyon ng isang “emotional abuse” — pero wala itong parusa.
Inihain ni Teves ang nasabing panukalang batas sapagkat ang pang-gho-ghost daw ay maaaring maging “mentally, physically and emotionally exhausting” sa sinumang nabibiktima nito.