DAGUPAN CITY– Pinaboran ng Alliance of Concern Transport Organization o ACTO – Pro Dagupan ang pagkakaroon ng panibagong ruta ng mga pumapasadang jeep dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ramon Ubando, pinuno ng ACTO-Pro Dagupan, sinabi nito na napagkasunduan na dadaan lamang ang mga jeep sa New De Venecia Highway kapag coding ang mga ito.

Pumayag na rin aniya dito ang Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board kaya walang magiging problema.

--Ads--

Giit naman nito na magkakaroon muna ng dry run sa paggamit ng mga jeep sa naturang bagong ruta.

Aniya, dagdag kita at makakatulong ito sa mga drivers lalo na’t dalawang araw ang coding ng mga ito.

Mababatid na inaprubahan sa special session ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang ordinansa kaugnay sa panibagong ruta ng mga pumapasadang jeep sa De Venecia Highway extension dito sa syudad.