Target sa huling termino ng administrasyong Balderas ang pagkakaroon ng bagong commercial building sa bayan ng Laoac, Pangasinan.
Ayon kay Mayor Ricardo Balderas, gusto niyang palitan ang lumang commercial building upang maenganyo ang mga negosyante na mamuhunan sa kanilang bayan.
Aniya, kahit anong pagpapagada sa mga barangay road at facilities lalo na ang municipyo kung nariyan pa rin ang old commercial building ay walang pupuntang malaking negosyante sa kanilang bayan.
Kaugnay nito ay hihintayin na lang ang approval ng Commission on Audit para sa pagdemolish ng gusali sa tapat ng munisipyo.
Samantala, may naka-alocate nang P15 million na para sa pasalubong center kung saan ilalagay dito ang mga vendor ng tupig at iba pang produkto ng mga taga Laoac.
Dagdag pa ng alkalde na ang hangad niya ay maipagpatuloy ang maayos na pamamalakad, maayos na pagtulong at maayos ang kabuhayan ng bawat mamamayan.
Samantala, tiniyak naman ni vice mayor Benidict Lopena na makikipagtulongan siya sa Sangguniang bayan upang maisulong ang mga magagandang ordinansa o resolusuyon.
Plano din niyang palakasin ng Laoac College scholarship program na mabebenipisyuhan ang mga kababayan nila.