Patuloy paring inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima ng madugong mass shooting incident sa Walmart shopping mall sa El Paso, Texas.

                Una rito, kinumpirma na ni Texas Gov. Greg Abbott, na umakyat  na sa 20 ang bilang ng mga nasawi habang 26 ang nasugatan sa insidente.

                Mabilis namang kinumpirma ni Mexico foreign affairs secretary Marcelo Ebrard, na anim sa kanilang mga kababayan ang nasugatan na kinilala nitong sina Mario de Alba Montes, 45; Olivia Mariscal Rodriguez, 44; at Erika de Alba Mariscal, 10.

--Ads--

                Bagamat, base sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Dagupan sa Filipino Community sa Texas, wala pa silang naa-account na kababayan nating kabilang sa mga biktima ng mass shooting.

                Sa ngayon, patuloy ang pagbibigay nila ng panalangin at simpatiya para sa kaanak at kaibigan ng mga biktima habang patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad at kababayaan doon upang matiyak na ligtas ang lahat. Nabatid na inaabisuhan ang mga residente ngayon doon na manatili muna sa kanilang mga tahanan at iwasan ang pagtungo sa mga matataong lugar habang hindi pa tuluyang nabibigyang linaw ang krimen kahit pa nasa kostudiya na ng mga otoridad ang na pinangalanang si Patrick Crusius, 21 anyos na residente ng Allen, Texas sa naturang estado.

                Inaantabayanan pa ngayon ang opisyal na ulat mula naman sa Konsulada ng Pilipinas doon upang malaman ang kalagayan ng mga kababayan nating Pinoy.