Patuloy pa rin ang isinasagawang verification sa mga pagkakakilanlan ng apat na naitalang bagong kaso ng Delta variant sa Rehiyon Uno ayon sa Department of Health.
Sa pahayag ni Dr. Rheuel Bobis ang Department of Health-Region 1 Medical Officer IV sinabi nitong walang nararanasang sintomas o nasa kategorya ng asymptomatic ang mga pasyente na naitala sa Ilocos Norte at kasalukuyang nakaisolate ngayon.
Samantala nararanasan na rin umano ang pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 simula pa noong Hulyo kung saan ang average cases lang noon ay nasa 300 malayo sa naitatala ngayon na aabot na sa 600-800 covid-19 cases bawat araw.
Tuloy-tuloy naman umano ang isinasagawang bakunahan kung saan ay nasa one third na ng total population ang mga nabigyan ng bakuna sa rehiyon.