DAGUPAN CITY- Ipinaliwanag ng isang abogado ang pagkakaiba ng rebellion at inciting to sedition, kung saan madalas itong napagkakamalian.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Charisse Victorio, isang abogado, ang sedisyon ay ang kilos o pagpapahayag na naglalayong maghasik ng poot o mag-udyok ng kaguluhan laban sa gobyerno, nang walang aktwal na paggamit ng dahas.

Sa kabilang banda, mayroong personal involvement naman sa rebelyon.

--Ads--

Layunin ng mga kasong ito na tiyakin ang pambansang seguridad at magsilbing babala sa publiko laban sa mga pahayag o aksyon na maaaring magdulot ng gulo sa bansa.

Isa ang pagpapakalat ng mga post sa social media na naglalaman ng mapanirang pahayag laban sa gobyerno, at mga panawagan na magdulot ng karahasan sa pampublikong lugar, ay itinuturing na paglabag sa batas.

Isa rin sa mga dapat gawin upang maiwasan ang kasong ito ay ang paggawa ng legal na paraan upang maipahagyag ang saloobin, tamang paggamit ng social media at pagregulate sa mga sinsasabi.

Dapat rin ay facts o katotohanan lamang ang mga balitang i-consume upang hindi tayo makapagbigay ng opinyon na maaaring makapagpahamak sa isang tao o indibidwal.