BOMBO DAGUPAN – “Kung gagawin ng gobyerno ang dapat ay matatanggal tayo sa listahan.”

Yan ang binigyang diin ni Atty. Sonny Matula President, Federation of Free Workers sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya kaugnay sa pagkakabilang ng Pilipinas sa top 10 worst countries sa sektor ng paggawa.

Aniya ay may mga batas sa bansa na magpoprotekta sa karapatan ng mga manggagawa ngunit hindi naman iniimplementa at nirerecognize. Ang pagkakabilang nga ng bansa sa plus 5 mula sa nasabing listahan ay nangangahulugan na “no guarantee of rights” ang mga manggagawa sa bansa dahil sa paglabag sa mga batas na umiiral.

--Ads--

Kabilang na rito ang hindi pagkilala at pagprotekta sa karapatan ng mga manggagawa kaugnay na rin ang mga naiuulat na pagkakasawi ng ilang mga trade union leaders and members na hanggang ngayon ay hindi parin nabibigyan ng hustisya.

Saad niya na dapat ay gumawa ang gobyerno ng matigas na aksiyon para sa ganitong sitwasyon gayundin ang pag-aappoint ng isang special council na tututok sa pagtatayo ng union ng mga manggagawa.

Ilan nga sa mga napaulat na paglabag ay kaugnay sa red tagging, harrassment, violence at iba pa. Aniya ay dapat sundin ang mga rekomendasyon ng International Trade Union Confederation upang maprotektahan ang karapatan ng mga mangagawa sa bansa.

Samantala, ayon naman kay Matula na hindi naman tayo walang pag-asa na maalis sa nasabing listahan.