Dagupan City – Umpisa pa lang ay kulang na sa ebidensya ang isinampang kaso kay former Sen. Leila de Lima.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick P. Abril, Legal & Political Consultant, mula nang mag-umpisa ang kaso ni De Lima ay 1st yr law student pa lamang ito, kung saan ay inummpisahan na nilang aralin ang kasong kinakaharap ng dating senadora ngunit sa kasagsagan ng kanilang pag-aaral ay unti-unting lumalabas na wala itong malinaw na ebidensya.
Kung saan ay nitong Lunes lamang pinagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang demurrer to evidence ng dating senador na katumbas ng pagkakabasura ng kaso.
Natutuwa naman aniya ito dahil mismong ang mga nagsilbing testigo na rin ang bumawi sa mga salaysay na una nilang ipinahayag kung saan ay binibigyang diin ang senadora sa pagkakadawit nito sa kasong ilegal na droga.
Matatandaan na sa panahon sa panahon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte ay naging aktibo si De Lima sa pag-iimbistiga umano sa war on drugs ng dating pangulo upang makita ang mga nasa likod ng oplan tokhang, dahil lumalabas na maraming mga inosente ang nadamay sa nasabing inisyatiba.
Binigyang pagkilala naman ni Atty. Abril si De Lima dahil hinarap nito ang kaso ng tapat at sa tamang proseso.
Sa kasalukuyan, plano ng senadora na tulungan ang isinasagwang imbistigasyon ng International Criminal Court hinggil sa war on drugs ng dating administrasyon.
Habang abangan naman aniya kung ano ang mga pinanghahawakang dokumento ng senadora.