Mahalaga ngayong holiday season na bantayan ang kinakain maging ang ating mga iniinom.
Ayon kay Dr. Anna Ma. Teresa S. De Guzman, Provincial Health Officer dapat ngayon palang ay planuhin na ang mga christmas activities, kapag may edad na at maintenance drug ay hindi nakabubuti ang pagkain ng mamantika at maaalat kaya’t mainam na lahat ng kakainin at iinom ay dapat balansehin.
Bukod pa diyan aniya dapat ding sabayan ito ng ehersisyo upang maburn ang mga calories intake at ibang pang kinain.
Mahalaga rin na uminom ng maraming tubig at ang pagkakaroon ng sapat na tulog.
Samantala, para naman sa kanilang kampanya para sa ligtas na kapaskuhan aniya ay iwasan muna ang pagpapaputok ngayong holiday season.
Sakali mang maputukan ay hugasan agad ang sugat ng malinis na tubig at masabon. Kapag naman may malapit an ospital ay masa mainam kapag madala sa health facilities para malapatan ito ng lunas.
Pinapaalalahanan naman nito ang lahat para sa maayos na kapaskuhan at maitaguyod ang holiday season na ligtas ang lahat.