Inihayag ni Mary Jane Ortega, co-chairperson ng Development Council Region 1 na isa sa kanyang adbokasya ay iimplementa dito sa rehiyon ang gamitin ang malunggay bilang isa sa mga pangunahing diet ng mga batang edad limang taong gulang gayundin ang mapabuti ang kalidad ng tubig.

Ayon kay Ortega, lumalabas sa research na isinagawa ng mga eksperto sa Bulacan na nadadagdagan ang IQ ng mga batang edad 5.

Aniya, 90 percent ng utak ng tao ay nabubuo sa edad na limang taon.

--Ads--

Kaya ipinayo niya sa mga magulang na pakainin ng malunggay ang mga anak nila kung nais nilang lumaking malusog at matalino.

Ang malunggay ay mayaman sa iba’t ibang nutrients at health benefits na makakatulong sa kalusugan ng tao.

Ang Malunggay ay hindi lamang isang masarap na gulay kundi isang makapangyarihang halamang gamot na maraming health benefits na maaaring gumamot at makaiwas sa iba’t ibang sakit.