DAGUPAN CITY- Libu-libong mga tao ang nakilahok sa mga kilos protesta na may layuning ipakita ang kanilang pagkadismaya kay US President Donald Trump.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba Jr., Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, iniulat ang malawakang kilos-protesta sa mahigit 1,200 lugar sa buong Estados Unidos at iba pang bahagi ng mundo.

Ginanap sa mga pangunahing lungsod tulad ng New York, Washington, pati na rin sa mga international na siyudad tulad ng London, Paris, Stockholm, at Berlin ang nasabing pagtitipon.

--Ads--

Dagdag niya, may malawakang epekto ang mga hakbang na ito, na maaari ring magdulot ng pagbaba sa stock market at magpahina sa ekonomiya ng bansa.

Isa sa mga pinag-uusapan ay ang 104% na taripa, na maaaring magdulot ng pagkalugi sa mga negosyo at magsasaka, pati na rin sa mga ordinaryong mamamayan.

Habang ipinapatupad ni Trump ang kanyang mga panukala, marami ang nag-aalala na ang mga ito ay magdudulot ng masamang epekto sa bansa, lalo na sa mga sektor ng agrikultura at edukasyon.