BOMBO DAGUPAN – Ikinalugod ng grupo ng mga senior citizen sa bansa ang pagka-apruba sa second reading ng panukalang universal social pension.

Ayon kay Atty. Franklin Quijano, Chairman, National Commission of Senior Citizen ito daw ay isang napakagandang suporta para sa mga senior citizens lalo na sa mga seniors na walang-wala talaga sa buhay.

Aniya ang panuklang ito ay nirerecognize ang lahat ng senior citizens na kumakayod kabilang na rito ang pagsaludo at pagrespeto sa kanila.

--Ads--

Kaugnay nito ay kabilang din sa panukalang ito ang pagkakaroon ng annual regular medical check-up/examination upang matiyak na sila ay malusog dahil ang health expenses ay tumataas kapag hindi agad nabigyang pansin kung mayroon man sila iniindang karamdaman o lumalalang sakit.

Hinikayat niya rin ang lahat ng senior citizens na mag-register online sa kanilang website upang pagdating ng araw ay hindi sila mahirapang iverify o ivalidate ang mga ito sa kanilang database.

Samantala, ay pinaalalahanan niya naman ang lahat ng senior citizens na ugaliing uminom ng tubig upang makaiwas sa anumang peligrong dala ng mainit na panahon.