DAGUPAN CITY- Nagdulot ng samu’t-saring reaksyon galing sa Filipino Community ang pagkaka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rosalie Realon, Bombo Internationa News Correspondent sa Philipsburg, Sint Maarten, nakaantabay ang mga Pilipino sa nasabing bansa upang makibalita sa mga susunod na pangyayari.

Aniya, nangangamba ang ilan dahil sa pangyayari.

--Ads--

Samu’t-sari rin ang opinyon at reaksyon na nakukuha galing sa mga Filipino community.

Dagdag niya, mahirap din tanggapin ang sitwasyon sa kasalukuyan lalo na’t marami ang napamahal sa dating Pangulo.