Emosyonal na nagpasalamat si Michael Comaling, tubong Ormoc, Leyte sa pagkopo niya ng gold medal sa larangan ng modern pantathlon sa ginaganap na 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, aminado si Comaling na malalakas ang kaniyang kalaban pero naging relaks lang ito na naging susi ng kanyang tagumpay.

Naniniwala siyang malaking bentahe na dito sa bansa isinagawa ang SEA games dahil sa cheer ng mga Pilipino sa event, ay lalo siyang naispire na ipanalo ang laban.

--Ads--

Kuwento niya na dumating ang puntong nawawalan na siya ng lakas pero nanumbalik ang kanyang sigla dahil sa dami ng mga pIlipinong nanonood at nagbigay ng suporta sa kanya.