Isang wais na desisyon ang pagiging “neutral” ng Pilipinas sa sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Prof. Mark Anthony Baliton, isang political analyst sa lalawigan ng Pangasinan, mas mainam na maging tahimik muna lalo na at patuloy ang paglala ng sitwasyon sa mga nabanggit na bansa upang hindi
damay sa anumang susunod na pangyayari.
Aniya, ang hakbang na ito ang pinakamainam na hakbang lalo na at ang anumang pagpabor sa mga estado na ito ay may malaking impact lalo na kung mas tumindi ang mga tensyon sa Ukraine at Russia.
Bukod pa rito, mas mainam din na umiwas muna sa anumang alyansa sa mga bansa na sumusuporta sa Russia at Ukraine upang hindi maging “colateral” sa mga maaring pinsala na maaring makuha ng bansa sa posibleng giyera.