Napakahalaga na maging mapanuri sa pagbili ng mga make up o cosmetics na mura lalo na sa mga taglay nitong kemikal.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon Campaigner, Ban Toxics ngayong papalapit na ang graduation ceremony ng mga estudyante ay siguradong marami ang mamimili para sa pag-aayos ng kanilang anak.
Nagsisilabasan din ang mga mumurahing klase ng make-up maging mga produktong pampaputi.
Marahil ang mga ito ay mataas ang kemikal na taglay gaya na lamang lead, mercury at iba pa.
Ang ilan sa mga ito ay hindi rin authenticated ng food and drugs authority.
Napakataas ng mercury content ng mga ito na ang pangunahing inaatake ay ang utak at kidney ng tao.
Kaya’t payo ni Dizon sa publiko lalo na sa mga teenager na maging mapanuri sa pagbili ng mga cosmetics.
Dahil kapag na-apply ito sa balat ay mataas ang tyansa na magmanifest agad ang produkto.