DAGUPAN CITY- Malaking bagay ang pagiging handa at pagkakaroon ng plano ni US President elect Donald Trump sa pagresolba ng nangyaring potential US government shutdown.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, naagapan ang nangyaring potential US government shutdown dahil sa pagiging prepared at anticipation ng nasabing president elect.

Aniya, malaking tulong din ang pag-uusap sa loob ng kongreso ng US.

--Ads--

Dagdag niya, kung sakaling hindi naagapan ang nasabing isyu at maaaring maapektuhan ang mga Pilipinong naroroon.

Mas lumalala lang din umano ang sitwasyon iyon ng Estados Unidos sa tuwing ngakakaroon ng eleksyon.

Ang pagbalanse ng budget ng goyerno ay itinuturing ding isa sa mga pinakamahirap na gawain ng presidente.

Panawagan rin niya na huwag magpanic at magkaroon ng sense of reality sa ganitong mga sitwasyon.