BOMBO DAGUPANNaging matagumpay umano ang Civilian Mission ng Atin Ito Coalition.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, Chairperson ng Pamalakaya, patunay din ito na walang legal na batayan ang China kaugnay umano sa kanilang paghuhuli sa mga ‘trespassers’ sa West Philippine Sea.

Malinaw na ito ay ilegal na pag aaresto dahil hindi pagmamay-ari ng China ang West Philippine Sea.

--Ads--

Gayunpaman, may ilan pa din aniyang mga mangingisda na natakot sa China, ngunit ani Hicap, wala naman batayan ang China upang katakutan ang kanilang pagbabanta.

Samantala, Walang saysay ang Gentlemen Agreement nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at ni Chinese Presidente Xi Jin Ping dahil personal lamang ito na pagkakasundo.

Hindi naman ito dumaan sa legal na pamamaraan upang kilalanin.

Malinaw lamang ito na pagtatraydor sa Pilipinas dahil hindi naman ipinagtanggol ang soberanya ng bansa.

Dagdag pa ni Hicap, dapat lamang na mabigyan ng karamptang kaparusahan ang mapapatunayang traydor sa bansa.