Dagupan City – Malabo umanong mabigyan ng asylum sa US si retired Police Colonel Royina Garma.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, ito’y ang malabo pang gawaran lalo na’t ang binibigyan lamang ng asylum ay ang mga naproprosecute politically gaya na lamang ng freedom activist.

Aniya, maaaring pauwiin lamang ito sa bansa kapag nalamang mayroon pala itong kaso sa Pilipinas. O kaya naman ay mabigyan ng extradition threaty na isa sa maaring gawing hakbang ng gobyerno.

--Ads--

Matatandaan na bago umalis si Garma patungong US ay inusisa ito sa mga pagdinig ng House Quad Committee kaugnay ng kontrobersyal na war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Garma, iniuugnay siya sa pagpatay kay Wesley Barayuga, ang dating PCSO board secretary, na kanya namang itinanggi. Kasama ni Garma sa kasong murder at frustrated murder si dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo.

Kaugnay nito, nakakulong naman si Garma sa US at sinabing lalabas lamang siya kapag na-aprubahan na ang kanyang asylum request.