BOMBO DAGUPAN- Lalo pang maaadik ang mga gumagamit ng vape dulot ng idinagdag na illegal na droga sa vape juices.
Sa panayam ng Bombo Radyo Kay Atty. Benedict Nisperos, Legal Consultant ng Health Justice, nagbabalala na sila sa kongreso noon pang hearing sa pagpasa ang Republict Act no.11900 o Vape Regulation Law na maaari itong gamitin upang maipasok ang mga illegal na produkto.
At sa kasalukuyan, nakikita na umano nila Atty. Nisperos ang masamang epekto ng vape lalo na nang magkaroon ng kauna-unahang naitalang nasawi sa Pilipinas dahil sa paggamit ng vape.
Aniya, sa ilalim ng nasabing batas, nagkaroon ng mas maigting na kampanya ang Bureau of Internal Revenue na magkaroon ng tax tamp ang mga produktong ito. Pagkakaroon naman ng registration process sa mga nagbebenta nito ang isinusulong ng Department of Trade and Industry. At sesertipikahan naman ng Food and Drug Administration ang medical claims ng mga produkto.
Kaya nararapat lamang umano na sumunod sa batas ang mga nagbebenta, nag-aadvertise, nagreretail, at nag iimport.
Hinihikayat din ni Atty. Nisperos na magkaroon ng istriktong ordinansa sa lokal na pamahaalan kaugnay sa vape.
Samantala, iginiit ni Atty. Nisperos na hindi maiging natutukan ng gobyerno ang pagpapatupad ng Vape Regulation Law at marami pa din nakakalusot.