DAGUPAN CITY- Nagpapatuloy ang nararanasang kagutuman at malnutrisyon sa Gaza dahil sa paghigpit ng Israel sa pagpasok ng humanitarian aid.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shay Kabayan, Bombo International News Correspondent sa Israel, hindi naman masisi ang Israel dahil sa kasalukuyang kaganapan at hindi basta-basta dapat magpapasok ng tulong dahil maaari itong makitang pagkakataon ng mga Hamas na umatake muli.

Aniya, nagkaroon na rin kase ng pangyayari kung saan kinuha ng mga terorista ang humanitarian aid para sa mga sibilyang nagugutom.

--Ads--

Gayunpaman, matagal na rin nang huling umatake ang mga Hamas, subalit, hindi pa nila nakikitang tuluyang susuko ang mga ito at sa pagpapalaya ng mga bihag.

Samantala, ang kasalukuyang nararamdamang pag-atake sa Israel ay ang mula sa bansang Yemen.

Sa kabilang dako ay tuloy-tuloy ang repatriation ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Israel.