DAGUPAN CITY- Isang mabigat na kaso ang Qualified Human Trafficking na siyang haharapin ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Atty. Arman Hernando, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, ang kasong ito tinuturing na International Crime kung saan lahat ng bansa ay may batas hinggil dito.

Aniya, ito ay isang modern day slavery tulad ng mga pang-aalipin sa mga manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators Hub at pinapahirapan ang mga ito at nauuwi pa sa pagkasawi.

--Ads--

Hindi man si Guo ang nagsagawa nito subalit, napag-alaman naman na mula sa dating alkalde ang kautusan na isagawa ito sa mga POGO Hub.

Ani Atty. Hernando, nagsilbing ‘eye-opener’ sa publiko ang naging pagdinig ng senado upang ipagbigay ang ganitong uri ng krimen sa bansa.

Dahilan din sa pagkakatulak ng masinsinang imbestigasyon at masigurado ang paghatol kay Guo at iba pang mga kasamahan nito.

Gayunpaman, aniya, middleman lamang ang mga ito at patuloy pang pinaghahanap ang pinaka-ulo sa illegal na operasyon.

Samantala, nahaharap si Guo sa habambuhay na pagkakakulong, pagmumultahin ng P2 million sa bawat kasong kakaharapin, pag-surrender ng mga ari-arian, at pagbibigay ng kabayaran sa mga nabiktimang manggagawa.

Giit ni Hernando, malawak pa ang usaping human trafficking sa bansa at marami pa ang kailangan gawin para matuldukan ito dahil maging ang may mga posisyon ay nadadawit.